Sara

Mayor Sara: MNLF mahalaga sa kapayapaan, pag-unlad ng Mindanao

268 Views

BINIGYAN-DIIN ni Davao City Mayor Sara Duterte ang kahalagahan ng Moro Islamic Liberation Front (MNLF) sa isinusulong na kapayapaan at pag-unlad sa Mindanao ng UniTeam.

Ginawa ni Duterte ang pahayag kasabay ng kanyang pagpapasalamat sa MNLF sa pag-endorso nito sa kanyang kandidatura sa pagka-bise presidente at sa kanyang running mate na si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Duterte si Datu Albakil ‘Thong’ Jikiri, National Vice Chairman for Military Affairs ng MNLF, ang nag-anunsyo ng pag-endorso kamakailan sa Zamboanga City.

“MNLF’s support is essential to our cause of bringing about meaningful and lasting peace and development in Mindanao and the rest of the country,” sabi ni Duterte sa isang pahayag.

Ang suporta umano ng MNLF ay gagamiting pundasyon ng UniTeam sa pagsulong ng kapayapaan at pag-unlad sa Mindanao gayundin ang pagtiyak na mabibigyan ng pantay na karapatan at oportunidad ang mga taong naninirahan dito.

“As a Mindanawon, I will always protect and support the interest of Mindanao and its people — knowing the role of Mindanao in the growth of the entire country,” dagdag pa ni Duterte.