Calendar
Netizens napa-‘wow’ sa eksenang panty at bra ni Maris
Pasabog ang eksena ni Maris Racal sa “Incognito” kung saan ay tumakbo ito sa gubat with matching fight scenes nang naka-panty at bra lang.
Kaagad nga itong nag-trending at puring-puri ng netizens ang tapang ng aktres sa naturang eksena bukod pa nga sa ang daming napa-wow sa kanyang kaseksihan.
Sa eksena kasi ay magbibihis na sana siya sa kanyang kwarto at namimili ng isusuot na damit nang biglang dumating ang mga kalaban.
Kaya naman kahit naka-panty at bra lang ay dali-dali siyang tumalon sa labas ng bintana at nagtatakbo.
Naabutan siya ng mga humahabol sa kanya at nakipagbakbakan pa.
Bukod dito ay tumatakbo siya nang walang suot na sapatos at nakamedyas lang siya.
In fairness, ang ganda naman talaga ng eksena at bibilib ka naman talaga sa aktres na kinaya niyang gawin iyon.
Maging si John Lapus ay nag-tweet ng kanyang paghanga kay Maris.
“Napaka bongga mo @MissMarisRacal sa pag takbo ng nakapanty at bra lang nak!” tweet ni John.
“Idk correct me if im wrong sya lang pa ata nakakagawa nyan on primetime free tv kudos sa kanya ang galing nya,” sey naman ng isa pa.
Sa kanyang Instagram account ay nagbalik-tanaw ang aktres nang i-shoot niya ang ‘bra and panty’ scene.
Ipinost niya ang clip ng naturang eksena at sa caption ay sinabi niyang kinunan ito sa first shooting day niya sa Baguio.
“I didn’t expect this to be the first scene i’d have to shoot on day 1 of the Baguio leg for incognito,” sey ni Maris.
“Oh well… ang masasabi ko lang ay ANG LAMIG!” aniya pa.
Sa comment section ay inulan pa rin ng papuri ang aktres at isa nga sa nagkomento ay si Agot Isidro.
“That’s my baby,” sey ni Agot na matatandaang gumanap na ina niya sa seryeng ‘Can’t Buy Me Love.’