Calendar
Rodriguez: Salamat mga Kapatid sa Iglesia ni Cristo sa suporta sa tambalang BBM-Sara!
ANG pagtitiwala ng ating mga Kapatid sa Iglesia ni Cristo ang siyang magiging gabay nila presidential frontrunner Bongbong Marcos at vice-presidential leader Inday Sara Duterte sa pamumuno ng ating bansa sakaling sila ay palarin at ihalal ninyo sa darating na eleksyon sa ika-9 ng Mayo.
Ito ang buong pagbubunying pahayag ni Atty. Vic Rodriguez, chief of staff at tagapagsalita ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., sa pag-endorso ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa pangunguna ng Tagapamahalang Pangkalahatan Kapatid Eduardo Manalo sa tambalang BBM-SARA sa darating na halalan sa Mayo 9,
Sinabi ni Rodriguez na buong kababang-loob na tinatanggap ng BBM-Sara tandem
ang pag-endorso ng isa sa pinaka-maimpluwensiya at pinakamalaking religious group sa bansa.
Pangako ni Rodriguez na pakahahalagahan nina Marcos at Duterte “ang suportang ibinigay ng INC katulad din sa suportang ipinamalas ng higit sa mayorya ng ating mga kapwa Pilipino.”
“Sa ating mga Kapatid sa Iglesia Ni Cristo, taos pusong pasasalamat po,” dagdag pa ni Rodriguez.
Narito ang buong pahayag ni Rodriguez:
“Ang tambalang Bongbong Marcos-Sara Duterte ay buong kababaang loob na tinatanggap ang pag indorso ng mga kapatiran natin mula sa Iglesia Ni Cristo sa pangunguna ng Tagapamahalang Pangkalahatan Kapatid Eduardo Manalo.
Amin pong pakahahalagahan ang suportang inyong ibinigay katulad din sa suportang ipinamalas ng higit sa mayorya ng ating mga kapwa Pilipino.
Ang ganitong uri ng pagtitiwala ang siyang magiging gabay nila presidential frontrunner Bongbong Marcos at vice-presidential leader Inday Sara Duterte sa pamumuno ng ating bansa sakaling sila ay palarin at ihalal ninyo sa darating na eleksyon sa ika-9 ng Mayo.
Sa ating mga Kapatid sa Iglesia Ni Cristo, taos pusong pasasalamat po!”