Calendar

Ayuda ipinamigay sa mga tao sa Talisay, Balete
BATANGAS–Umabot sa 515 katao sa Balete, 514 sa Talisay at 1,078 sa Agoncillo at San Nicolas ang nabigyan ng iba’t-ibang tulong mula sa provincial government sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas noong Sabado.
Ipinamahagi ang mga family packs, hygiene kits at kitchen at dinner wares sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Kristine kasabay ng pamimigay ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) na nagkakahalaga ng P447,000.
Pinangunahan naman ng Provincial Health Office ang libreng check-up sa pamamagitan ng mobile clinic ng lalawigan.
Namahagi rin ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng 500 emergency survival kits.
Sa Agoncillo at San Nicolas, binigyang pagkilala ng Provincial Assistance for Community, Public Employment and Youth & Sports Development Office ang 6 na retiradong barangay functionaries.
Sa Talisay, nagbigay ng cash assistance ang Provincial Veterinary Office sa 63 na mga indibidwal na nasalanta ng African Swine Fever.
Nakiisa sa aktibidad sina Anak Kalusugan Congressman Ray Reyes, Atty. Angelica Chua-Mandanas at mga opisyales at kawani ng kapitolyo.