Marites Lang

Bakit Nawala Ang Kinang ng EDSA?

Marites Lang May 5, 2022
344 Views

TAONG 1986 may nangyaring People Power Movement sa EDSA. Lumabas ang mga hinaing daw ng mga Pilipino sa pamahalaan ni Presidente Ferdinand Marcos.

Maraming emosyon ang umalab sa pagnanasang may bagong mga pagkakataon na maibibigay ang isang bagong gobyerno. Napalitan lahat pati ang saligang batas… lahat ay iniba pati mga ulam sa opisina ng gobyerno at oras ng pagbubukas ng aircon ay naiba alang alang sa pangakong pagbabago. Dumagsa ang promises, tagos sa pusong pananalita ng mga bagong pasok sa Malacanang para sa isang makabayang paniniwala, at mga pagaaral kung paano si Kris Aquino makakapagpakita ng mga bagong pananaw in contrast sa martial law discipline.

Maraming nangyari matapos ang EDSA revolution. Si Kris Aquino ay nakapagpakita ng isang halimbawa kung paano dapat maging isang simbolo ng babaeng Pilipina. Magkaiba siempre ang tatay ng mga anak, kung kanino man siya nalink before, during at after her children were born, siempre wala siyang pakialam.

Kahit siya ang nasa forefront ng EDSA revolution na nangungunang humingi ng public sympathy ay siempre di niya na-correlate yun sa role niya na kunwari ay pa-victim pero umabuso sa dami ng projects sa mga pelikula, tv shows at smorgasboard ng mga poging boys na eye candies niya. Puro pagkabusilak na babae ang ipinakita niyang halimbawa. Umabot sa puntong mismong kalive-in ng isang pinsan niya ang nag-verbalize ng mga thoughts ng polite society sa kanilang pamilya.

After thirty five years, lumalabas na para lamang sa mga psychological case folders ang ilang personalidad sa EDSA pala. Of course, may masasaktan marahil dito pero guys be objective naman. Kalurkey talaga na puro pagka bratinela ang ipinakikita nila e umaayaw na ang mga discerning peeps sa mga hanash nila. Me nagtanong sa Facebook kung bakit daw ang mga maimpluwensiyang miembro ng isang malakas na Partido ay umabot sa level ng “ragtag bunch of blind believers doing house-to-house campaigns” na parang umaamot ng pansin sa mga masang Pilipino na minsan nilang winalang bahala. E anong maisasagot natin sa mga tanong na ganyan? Bakit nga daw ba bigla silang hindi pinapansin ng mga mas nakakaraming mga PILIPINO na minsan nilang hinikayat sumuporta sa kanila?

Sang-ayon sa isang medyo nagkakaedad na nagmatyag sa isang sulok ng Maynila, ang simpleng sagot daw ay hindi nila naideliver ang pangakong mas matibay na pamahalaan at pagangat na antas ng buhay ng mga tao. Ilang pinuno makalipas ang EDSA Revolution ay ito ang kanilang ginawa: merong nag utos lang sa mga kaalyados at kapag di makasagot sa ilang isyu ay rosary ang hawak na ipapa photo ops, meron naman nag micro managing, meron ding nag double talking, merong naglasing lang, merong nakipagmabutihan sa mga Amerikano at meron naman na keber lang at lumipas ding lahat sila. Yun lang dedma sa mga promises. Meron ding isang mahusay sa ekonomiya in fairness. Pero sana sustainable growth.

Hindi ba madali maintindihan na hindi nyo idineliver ang mga ipinangako nyo na pagbabago? Hindi kasi kayo nahirapang mangumbinsi dahil hawak nyo lahat ng media eh. Tapos ampaw ang ibinigay nyo na pagbabago? Tumibay ba ang ekonomiya? Anong bagong industriya ang nadevelop ninyo? Anong suporta sa mga magaaral na imbentor ang naibigay ninyo? Bukod sa mga bagong chismis at intrigang lumalabas tuwing me makakapuna ng pagkukulang ng gobyerno sa mga Pilipino, ano pa ginawa ninyo? Yumaman ang inyong mga spin doctors, mga ad firms na nagpapaikot at lumalaro sa isipan ng taongbayan at mga tv networks na nagpromote ng ka-cheapan sa mga tao para hindi mapansin ang mga issues galing sa kakulangan ng mga pinuno. Aba naman… makonsensya naman kayo. Huwag nyo ipagtaka ang saloobin ng mga mamamayan. Di na effective ang mga ginagawa nyo kasi tumalino naman kami maski konti dahil din sa inyo.

YOU HAVE FAILED THE FILIPINO PEOPLE. It is simply that. Hindi ninyo nadevelop ang ating matibay na kaunlaran. Yung sinasabi ninyo noon na kung hindi ngayon kailan? Kung hindi kami sino? Ibinabalik namin sa inyo. Ayaw namin ng empty promises. We will continue to work for our nation’s progress in our own little way at ang mga taongbayan na inyong inuto sa paniniwalang kayo ay nagmamahal sa bansa natin ay gising na. Nakita ba ninyo ang pagluha nila sa mga pagtitipon tuwing makikita ang pamilyang dinusta, inaglahi at siniraan ninyo? Ang mga spin masters ninyo ay di pa kuntento sa kabibilang ng pera sa pagpapaikot sa isipan ng mga taongbayan noh! Pwede ba let’s get real?

Puro kabarilan, kaklase at kabarkada nyo ang nauuna sa inyong administrasyon. Ang daming naghihirap sa lungsod at sa mga probinsiya na halos walang makain pero hindi ninyo nabigyan ng konkretong programa ang food stability sa bansa. Meron ba talaga kayo naipakitang tunay na concern sa bansa?

Si Kris Aquino nga kung anuman yung kanyang immune system issue e pati high end na medical treatments ipinapakita pa talaga sa social media. Sa panahong me pandemic e bereft of conscience na ipinakikita niya kung gaano ka-opulent ang kanyang buhay kahit namatay mag-isa sa lazy boy na upuan ang kawawang kapatid niya. Eto ang inyong concept ng family love at ni hindi nyo naiayos yun sa discerning eyes ng publiko. Bakit kayo ganyan? Pagkatapos nagpakababa kayo na ituloy ang pambubully sa mga taong nagpapakita ng pagayaw sa kandidato nyo. At ipipilit ninyo na fake ang survey results. Na lahat ay mali pwera kayo.

You are cruel and insensitive. Tapos nagtataka pa kayo na ayaw na ng mga tao sa kandidato nyo???

Kaming mga nagbubukas ng isipan sa mga ibang choices at nagmamahal din sa bansa natin ay huwag nyo naman awayin. Yung iba me mga labels sa amin e pare parehas lang tayo me karapatang pumili ng lider ng bansa natin. Thank you naman sa pagka high brow nyo. Kahit na ano pa ilabel nyo sa amin, ang boto namin ay boto namin. Tandaan nyo Vox Populi Vox Dei!