Calendar

Samgyup dinner nauwi sa pagsabog; 7 agaw-buhay
PITO ang agaw-buhay sa pagsabog ng portable butane sa harap ng lamesa ng mga biktima sa isang samgyupsal restaurant noong Lunes sa Taguig City.
Matindi ang tama ng mga biktima sa Medical Center Taguig na isang 7-anyos at 6-anyos na batang lalaki, 34-anyos na babaeng may-ari ng kainan, isang 19-anyos at 34-anyos, 36-anyos na babae at isang 19-anyos na vendor dahil sa mga paso sa iba’t-ibang parte ng katawan.
Sa report, kumakain ng samgyupsal, isang Korean buffet dish set up, sa table 1 sa 2nd floor ng restaurant sa Bayani Road, Western Bicutan ang mga biktima nang biglang sumabog ang butane ng lutuan sa kanilang harapan dakong alas-9:50 ng gabi.
Sa lakas ng pagsabog, nabasag din ang mga salamin sa ikalawang palapag ng restaurant at bumagsak sa nakaparadang Ford pick up at Toyota Vios na nabasag pareho ang windshield.
Nagsasagawa pa ng pagsisiyasat ang mga tauhan ng Explosive Ordnance Division (EOD) upang alamin kung aksidente o sinadya ang pagsabog habang sinusuri na ng Taguig Bureau of Fire Protection (BFP) ang dahilan ng pagsabog ng portable butane.