Binata napunta sa selda dahil may dalang marijuana
Oct 31, 2026
PRO 10 nilusob lihim na POGO hub sa Iligan
Oct 31, 2026
Lalaki, 60, nasukol sa nabigong pagtsugi
Oct 31, 2026
Calendar
Mapayapang sumuko ang hostage taker sa mga pulis matapos ang humigit kumulang dalawang oras na negosasyon. Kuha ni JonJon Reyes
Metro
Nang-hostage ng 2 babae sumuko sa mga parak
Jon-jon Reyes
Feb 18, 2025
752
Views
SUMUKO ang isang hostage-taker matapos ang dalawang oras na negosasyon para palayain ang dalawang babaeng hostage sa loob ng printing press sa Recto corner Rizal Avenue, Sta. Cruz, Manila noong Martes.
Ayon sa pulisya, nagsimula ang panghohostage ni alyas JonJon pasado alas-3:15 ng hapon.
May hawak na dalawang patalim ang suspek at hinostage ang dalawang biktima.
Naging mapayapa ang pagsuko nito sa mga kapulisan matapos ang negosasyon sa suspek sa pamumuno ni Police Lt.Co. John Guiagui ng DID-MPD.
Ayon kay Manila Police District chief P/BGen.Arnold Thomas Ibay, nang-hostage ang lalaki dahil hindi siya binabayaran sa mga ginawa niyang printing jobs.
Binata napunta sa selda dahil may dalang marijuana
Oct 31, 2026
Lalaki, 60, nasukol sa nabigong pagtsugi
Oct 31, 2026
8-anyos na batang lalaki na-hit and run sa Taguig
Oct 31, 2026

