Binata napunta sa selda dahil may dalang marijuana
Oct 31, 2026
PRO 10 nilusob lihim na POGO hub sa Iligan
Oct 31, 2026
Lalaki, 60, nasukol sa nabigong pagtsugi
Oct 31, 2026
Calendar
Source: FB
Metro
QC fire: 1 sugatan, 100 pamilya naabo bahay
Melnie Ragasa Jimena
Feb 17, 2025
639
Views
ISA ang sugatan at halos 100 pamilya ang naabo ang tirahan sa sumiklab na sunog sa Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City noong Linggo.
Ayon sa Bureau of Fire Protection-National Capital Region (BFP-NCR), nasunog ang isang compound ng mga informal settler sa naturang lugar.
Nasugatan si Matt Manayday, 23, sa kaliwang kamay.
Nagsimula ang sunog dakong alas-2:11 ng hapon na umabot sa ikatlong alarma bago nakontrol dakong alas-3:06 ng hapon at tuluyang naapula matapos ang 20 minuto.
Nagmula ang apoy sa isang tatlong palapag na bahay, ayon sa BFP.
Nasa 50 trak ng bumbero at tatlong ambulansya ang rumesponde sa sunog.
Binata napunta sa selda dahil may dalang marijuana
Oct 31, 2026
Lalaki, 60, nasukol sa nabigong pagtsugi
Oct 31, 2026
8-anyos na batang lalaki na-hit and run sa Taguig
Oct 31, 2026

