Calendar

Dy hinikayat ang BOC na lalo pang paigtingin ang kampanya laban sa agri-smuggling
HINIHIKAYAT ni House Deputy Majority Leader at Isabela 6th Dist. Rep. Faustino “Inno” A. Dy V ang pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) na dapat lalo pa nilang paigtingin ang kanilang kampanya laban sa talamak na agricultural smuggling sa bansa.
Ang pahayag ng House Deputy Majority Leader ay kasunod ng ginawang pagpupuri ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez said BOC matapos nitong paigtingin ang kanilang kampanya laban sa agricultural smuggling na naresulta sa pagkakasamsam ng P851 bilyong halaga ng kontrabando.
Dahil dito, sinabi ni Dy na hindi dapat maging ningas-kugon ang naturang kampanya ng BOC laban sa laganap na smuggling sapagakat panahon na aniya para puksain ang pamamayagpag ng mga agricultural smugglers lalo na sa produktong bigas.
Binigyang diin ng kongresista na mahalagang tugisin ang mga sindikatong nagpapahirap sa mga mamamayan dahil sa napakataas na presyo ng mga agricultural products kaya dapat lalo pang palakasin ang pagpapatupad ng batas laban sa mga smugglers.
Paliwanag ni Dy na tama ang sinabi ni Speaker Romualdez na maganda ang inilunsad na kampanya ng BOC subalit hindi dapat dito nahihinto ang kanilang pagtugis bagkos dapat na mas lalo pang nilang palawakin ang paghahabol sa mga agriculture smugglers.
Muli naman iginiit ni Speaker Romualdez ang agarang pangangailangan na palakasin pa ang pagpapatupad ng batas laban sa agriculltural smuggling na patuloy na nagsisilbing bansa para sa lokal na magsasaka, mga mamimili at sa seguriad ng pagkain.
Kaya pagdidiin pa ni Dy na ang masamang kalakaran na ginagawa ng mga smugglers ang lalo pang nagpapahirap sa kalagayan ng mga masasaka at mga mamimili kung saan lantaran nilang nilalabag ang patas na presyo ng mga pagkain at bigas.