Dolor

MinOr nagkaroon ng medical, surgical mission

21 Views

NAGSAGAWA ng medical at surgical mission noong Miyerkules ang Philippine College of Surgeons (PCS) na bumubuo sa World Surgical Foundation Philippines (WSFP) katuwang ang provincial government of Oriental Mindoro (PGOM) sa pamamagitan ng Provincial Health Office (PHO) at Oriental Mindoro Provincial Hospital (OMPH).

Nasa ikatlong taon na ang naturang programa para sa mga dumaranas ng hernia, gall bladder stones at iba pang kondisyong nangangailangan ng agarang operasyon.

Ayon kay PCS President Dr. Ramon Inso, regular silang nagsasagawa ng medical at surgical mission sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Pinasalamatan si Gov. Bonz Dolor sa naturang programa sa pamamagitan ng Provincial Health Office na pinamumunuan ni Dr. Cielo Angela Ante.

Kasama sa inisyatibo ang Philippine Society of Anesthesiologists Inc., Philippine Society of Pediatric Surgeons, Perioperative Registered Nurses Association of the Philippines at iba pang samahan ng mga doktor at nurse.