Calendar

Criminology grad patay matapos mapagkamalang nagnenok ng cellphone
PATAY ang 26-anyos na lalaking Criminology graduate matapos bugbugin, paluin ng kahoy at saksakin ng mga taong kumuyog sa kanya nang mapagkamalan siyang magnanakaw sa Brgy. 718, Malate, Manila noong Pebrero 8.
Nakahandusay, nakahubad at nakatali ang mga kamay ng biktimang si Christian Ambon, Criminology graduate mula sa Las Navas, Northern Samar, ayon sa report.
Ayon sa naghihinagpis na ina ng suspek: “Binaboy nila ang anak ko. Hindi po gagawin ng anak ko ‘yun kahit mahirap kami.”
Sa salaysay ng biktima bago pumanaw, sinabi niya na hindi siya ang magnanakaw at sa halip siya ang ninakawan ng cellphone sa eskinita kung saan siya nanunuluyan.
Hinabol niya ang magnanakaw hanggang sa isang bahay kung saan siya sinaksak nito.
Nakilala pa umano ng biktima ang magnanakaw sa alyas na Jun-Jun.
Hinablutan siya ni Jun-jun ng cellphone tapos sinugod niya sa taas ng isang bahay kung saan tumakbo ang suspek, ayon sa ina ng biktima.
Noong nasa taas na ng bahay ang nasawi sumigaw ang isang babae ng “magnanakaw, magnanakaw.” Sinaksak na siya ng suspek ng sandaling ‘yon, dagdag ng ina ng biktima,.
Ayon pa sa ina ng biktima, bugbog sarado na ang anak niya pinagplanuhan pa rin ito at napigil lamang ang pagbugbog, matapos dumating na ang mga pulis.
Sabi pa ng mga tao na naroroon itapon na lang sa ilog ang kanyang anak, ayon sa ina.
Sa salaysay ng punong barangay, walang katotohanan ang sinasabi ng ina ng biktima dahil wala silang kilalang Jun-jun na suspek.
Nauna rin daw umanong nang amba ng patalim ang biktima matapos na pumasok ito sa isang bahay at may dalang patalim.
Inundayan daw ng saksak ang biktima ang kasama niya kaya napa hanggang sa lumabas ng bahay at nagulat na lamang na nagkakagulo na at pinagtulungan ng bugbugin ng mga naroon ang biktima.
Sinampahan ng kasong trespassing at frustrated murder ang biktima.
Sa kabilang banda maghahain din ng reklamo ang mga kamag anak ng biktima laban sa nagnakaw ng cellphone nito at maging sa mga bumugbog.
Dumating din ang mga operatiba ng MPD Homicide Section sa pinangyarihang lugar para imbestigahan ang magkaibang kwento mula sa biktima at mga sangkot sa nasabing krimen.