Calendar
8 partido nanawagan ng tapat, mapayapa, at maayos na halalan
NAGSAMA-SAMA ang walong partido politikal upang manawagan sa Commission on Elections (Comelec) na tiyakin na magiging tapat, mapayapa, at maayos na halalan sa Lunes.
Ang mga ito ay ang partidong Lakas Christian-Muslim-Democrats (CMD), Partido Federal ng Pilipinas (PFP), Hugpong Ng Pagbabago (HNP), Nacionalista Party (NP), Partido ng Masang Pilipino (PMP), National Unity Party (NUP), PDP-Laban, at Reform Party.
“On May 9, our people will again troop to the polls to exercise their right to choose the nation’s leaders. The right to suffrage is inviolable, and the people’s will must be respected,” sabi ng pahayag.
“As leaders of our respective political parties, we now join hands and stand with the Filipino people in sounding the clarion call for an honest, transparent and orderly elections. Toward this end, we make the following appeal to the Commission on Elections,” sabi pa ng mga partido.
Nanawagan din ang mga grupo sa Comelec na tiyakin na maayos ang mga vote counting machines (VCMs) na gagamitin sa mga presinto at dapat mayroong nakahandang ipapalit sakaling may masira sa mga ito.
Mahalaga rin umano na siguruhin na walang delay sa pagpapadala ng resulta mula sa presinto, canvassing, at tabulation center.
“With days to go before May 9, we trust that all systems are in now in place to hold a fair and free elections. We trust in the integrity of our Comelec commissioners, and we believe in the honesty and competence of all men and women supervising the elections,” sabi pa ng pahayag ng mga partido.