Morillo

Calapan City Museum binisita ng mga batang mag-aaral, parte ng Lakbay Aral

21 Views

MAY mga ngiti sa labi, ningning sa mgamata at masiglang masigla ang mga batang bumisita sa Calapan City Museum, nitong Biyernes ika-21 ng Pebrero.

Ang nasa mahigit kumulang 70 batang mag-aaral mula sa Activity and Child Productivity Center at Camilmil Child Development Center kasama ang kani-kanilang mga magulang at guro, ay nagtungo sa City Hall Complex sa Barangay Guinobatan kung saan matatagpuan ang city museum na bahagi ng kanilang Lakbay-aral.

Lubos na binigyang suporta at tamang paggabay ng Pamahalaang Lungsod ang mga mag-aaral sa pamamagitan ni Restituto G. Cueto na siyang taga-pangasiwa ng city museum.

Layon ng nasabing aktibidad ang mapagyabong pang lalo ang kabuuang pag-unlad ng ating kabataan, sa tulong ng ilang mahahalagang kwento ng kasaysayan ng mahal nating lungsod ng Calapan.

“Batang Calapeño, dapat bibo!,” saad ni City Mayor Malou Flores-Morillo.