Milka Romero baon ang payo ng amang Cong. Mikee Romero

Mar Rodriguez Feb 27, 2025
21 Views

PANIBAGONG hamon ang susuungin ni Mikaela Louise “Milka” Romero, anak ni 1-PACMAN Party List Cong. Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., hindi bilang isang atleta kundi ang pagiging susunod na Kinatawan ng 1-PACMAN sa Kamara de Representantes.

Sa pagtahak ni Milka Romero sa bagong yugto ng kaniyang karera, sinabi nito na baon niya sa kaniyang paglalakbay ang dalawang bagay na ipinayo ng kaniyang ama. Ito ay ang patuloy nitong pagsaliksik ng kaalaman at ang paghahatid nito ng serbisyo para sa mga taong nangangailangan o mga kapos-palad.

Inaasahang si Milka Romero ang hahalili sa puwestong babakantehin ng kaniyang ama sa Kongreso bilang first nominee ng 1-PACMAN Party List Group kung saan magagamit nito ang kaniyang talento, disiplina at kakayahan bilang dating atleta.

Ipinahayag pa ng batang Romero na ipagpapatuloy nito ang mga programa at adbokasiyang nasimulan at isinuslong ng kaniyang butihing ama sa pamamagitan ng sports and youth development at ang pagtulong sa mga mahihirap na mamamayan.

“Early in my life, I have already actively engaged in sports. All the attributes I have developed as an athlete, I now use in my adult life. Una dito ay ang paghahanda, kasama na ang sipag sa pag-eensayo para mapahusay ang kakayahan at ang pag-aalaga sa kalusugan,” wika nito.

Sa ilalim naman ng termino ni Cong. Romero, isinulong nito ang iba’t-ibang socio-civic programs kabilang na dito ang “Save-A-Heart program na tumulong sa tinatayang 2,000 bata na may sakit sa puso.

Hindi naman bago para kay Milka ang larangan ng paglilingkod sapagkat personal itong nakikilahok sa mga programa ng kaniyang ama sa pamamagitan ng pagkakaloob ng educational assistance para sa mga kabataang hindi makapag-aral.