Calendar

Resulta ng survey hindi nagdidikta, impeachment ni VP Sara tungkol sa pananagutan— Rep Bongalon
IGINIIT ni House Assistant Majority Leader Jil Bongalon ng Ako Bicol Party-list na ang impeachment ni Vice President Sara Duterte ay hindi madidiktahan ng resulta ng mga survey dahil ito ay tungkol sa pananagutan at paglabag sa batas na nakaaapekto sa sambayanang Pilipino.
“Surveys may change, but the facts remain. This impeachment is about corruption, abuse of power, and the betrayal of public trust. The charges against VP Duterte are not just legal issues—they affect every ordinary Filipino who works hard and pays taxes, only to see their money misused,” ani Bongalon, miyembro ng 11-man House prosecution panel.
Kabilang sa mga pangunahing paratang laban kay VP Duterte:
• Mga banta ng pagpaslang kina Pangulong Ferdinand R. Marcos, First Lady Liza A. Marcos, at Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, na mismong kinumpirma ni VP Duterte sa isang panayam sa media. Isang mabigat na paglabag para sa isang Bise Presidente ang magbitiw ng mararahas na banta laban sa mga pinuno ng bansa, dahil ito ay nagpapahina sa national stability and public safety.
• Umano’y maling paggamit ng ₱612.5 milyon sa confidential funds, kabilang ang ₱125 milyong ginastos sa loob lamang ng 11 araw, kung saan ginamit umano ang pekeng pangalan sa mga liquidation report.
o Bakit ito mahalaga: Ang pondong ito ay dapat sana’y napunta sa mahahalagang serbisyo tulad ng kalusugan, edukasyon, at paglikha ng trabaho. Sa halip, ginastos ito nang palihim at walang maayos na paliwanag.
• Pangungurakot at panunuhol sa DepEd, kung saan inamin ng ilang opisyal na tumanggap sila ng perang regalo na may kaugnayan kay VP Duterte.
o Bakit ito mahalaga: Bawat pisong nawawala dahil sa katiwalian ay nangangahulugan ng mas kaunting mapagkukunan ng pondo para sa mga mag-aaral, guro, at silid-aralan.
• Di-maipaliwanag na yaman at hindi pagdedeklara ng mga ari-arian, na nagpapakita ng hindi tugmang pagtaas ng kanyang kayamanan kumpara sa kanyang suweldo bilang opisyal ng gobyerno.
o Bakit ito mahalaga: Ang karaniwang Pilipino ay nagsisikap at tapat na nagbabayad ng buwis. Bakit dapat payagan ang isang opisyal ng gobyerno na payamanin ang sarili sa gastos ng taumbayan?
• Pag-utos ng extrajudicial killings sa ilalim ng Oplan Tokhang sa Davao City, na nagpapakita ng paulit-ulit na paggamit ng karahasan at pang-aabuso sa kapangyarihan.
o Bakit ito mahalaga: Walang sinuman ang dapat mamuhay sa takot na maaaring mapatay nang walang due process. Ang isang pinunong hindi gumagalang sa karapatang pantao ay naglalagay sa bawat Pilipino sa panganib.
• Pananawagan sa sedisyon at rebelyon laban sa administrasyong Marcos, na direktang sumasalungat sa katatagan at pamamahala ng bansa.
“These offenses are not just violations of the law—they are direct attacks on the Filipino people,” giit pa ni Bongalon.
Ipinaliwanag ng pinuno ng Kamara na ang impeachment ay isang prosesong nakasaad sa Konstitusyon upang mapanagot at maalis sa pwesto ang mga opisyal na umaabuso sa kanilang kapangyarihan.
“Ordinary Filipinos work hard, pay taxes, and follow the law. Why should the second-highest official in the land be exempt from accountability? When leaders steal public funds, it’s the people who suffer—through higher prices, fewer jobs, and a struggling economy.”
Kung mapatunayang nagkasala sa paglilitis ng impeachment sa Senado, si VP Duterte ay matatanggal sa pwesto at habambuhay na ipagbabawal na humawak ng anumang posisyon sa gobyerno.
“This is not just about one person—it’s about ensuring that public officials serve the people, not themselves. This is about justice, fairness, and protecting the integrity of our government. No official, no matter how powerful, is above the law,” dagdag pa ni Bongalon.