Pampasabog, baril, bala nahukay ng LPMFC sa Liliw
Nov 24, 2024
P.5M na shabu nakumpisa sa drug suspek sa Batangas
Nov 24, 2024
MISA SA KAPISTAHAN NG KRISTONG HARI
Nov 24, 2024
Calendar
Nation
BBM namayagpag sa huling Laylo survey
Ryan Ponce Pacpaco
May 8, 2022
176
Views
SA huling survey na isinagawa ng Laylo Research bago ang eleksyon sa Lunes, Mayo 9, muling namayagpag si dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Nakakuha si Marcos ng 64 porsyento o 40 porsyentong kalamangan kay Vice President Leni Robredo na nakapagtala ng 24%.
Ang survey ay isinagawa mula Mayo 1 hanggang 4.
Sa survey noong Abril ay 64 porsyento rin ang nakuha ni Marcos samantalang si Duterte ay 21 porsyento.
Nakakuha naman si Manila Mayor Isko Moreno ng 4 porsyento at sinundan ni Sen. Manny Lopez na may 4 porsyento, at Sen. Ping Lacson na may 1 porsyento.
Mayroong 1 porsyentong undecided at 0.3% ang nakuha ng iba pang kandidato.