Calendar

Bicol Express: Revilla mainit na sinalubong ng mga Bicolano sa Legazpi, Albay
“BICOL EXPRESS”
Ito ang pangyayari sa Legazpi City, Albay matapos na mainit na salubungin ng libo-libong mamamayan ng lalawigan ang tinaguriang “Agimat ng Masa” na si Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. kung saan hindi magkamayaw ang mga tao habang dumadaan ang motorcade nito.
Nabatid mula sa kampo ng senador na dumaan ang motorcade ni Revilla sa bayan ng Daraga, Camalig, Guinobatan, Ligao City, Polangui sa bayan ng Albay at Nabua.
Sa pagpunta ni Revilla sa Bicolandia, bitbit aniya nito ang kaniyang adbokasiya na matagal na nitong isisinusulong mula pa noong una itong tumakbong senador. Kabilang dito ang social welfare programs, livelihood at pro-poor initiatives.
Sabi ni Revilla na sa pagtungo nito sa Bicol, dala-dala din nito ang kaniyang mga plata-porma at programa na isusulong nito sakaling muli siyang mabibigyan ng pagkakataon kung saan ang kaniyang plata porma ay “Aksiyon sa Tunay na Buhay”.
Binigyang diin ng senador na ang “Aksiyon sa Tunay na Buhay” ay nangangahulugan ng kaniyang seryosong pagtugon at pagkilos sa mga problema ng ating bansa at hindi lamang siya aniya puro salita subalit kulang naman sa gawa.
Ipinaliwanag pa ni Revilla na ipinapakita din ng kaniyang plataporma ang commitment nito sa pagsusulong ng mga makabuluhang panukala sa pamamagitan ng “Laws with Puso at Aksiyon” na direktang magpapa-angat sa pamumuhay ng mga mahihirap na mamayan.
Ayon kay Revilla, tinitiyak din nito na ang mga isusulong nitong panukalang batas ay may puso at aksiyon na direktang mararamdaman ng mga mamamayan partikular na ang mga mahihirap na Pilipino na walang inaasahan kundi ang tulong mula sa pamahalaan.