Lalake

Kelot utas sa saksak

18 Views

ISANG 50-anyos na lalaki ang napatay sa saksak noong Miyerkules sa paradahan ng tricycle sa Brgy. Wawa, Batangas City.

Utas ang biktimang si alyas Dennis sa kamay ng mga umano’y suspek na sina alyas Harvey, 19, at alyas John, 19, ayon sa police report.

Lumalabas sa imbestigasyon na bandang alas-2:35 ng madaling-araw ng magkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at dalawang suspek.

Biglang hinampas ng biktima si alyas Harvey sa kaliwang bahagi ng ulo nito gamit ang isang matigas na bagay.

Nagkaroon umano ng suntukan ang dalawa at nasaksak ni alyas Harvey ang biktima gamit ang isang matulis na metal.

Nakatakbo pa ang biktima kahit duguan ngunit habang tumatakbo bumagsak sa damuhan.

Boluntaryong sumuko ang mga suspek sa kapatid ng isa sa mga suspek.