Calendar

Villar sang-ayon na ang expansion ng Naga Airport ang magpapaunlad sa Bicol
PILI, CAMARINES SUR — Sang-ayon si House Deputy Speaker at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) senatorial candidate Camille A. Villar na ang pagpapalawak at expansion ng Naga Airport ang magpapa-unlad negosyo at turismo ng buong Bicolandia.
Sabi ni Villar na kailangang itulak ang expansion ng Naga Airport sapagkat nakasalalay dito ang pag-unlad ng buong kaBICOLan sa larangan ng negosyo, kalakalan partikular na sa aspto ng turismo dahil sa mga magagandang tourist spots dito.
Sa ginanap na press conference, binigyang diin ng kongresista ang napakahalagang papel ng imprastraktura para sa pag-unlad ng bansa lalo na para sa mga ipinapatayong airport sa iba’t-ibang lalawigan na malaki ang naitutulong sa ekonomiya at turismo nito.
Paliwanag din ni Villar na napakahalaga ng imprastraktura hindi lamang para sa Camarines Sur bagkos para sa buong bansa kung saan optimistiko ang mambabatas na isa itong napakagandang proyekto para sa pagpapaunlad ng ating ekonomiya.
Winika pa ni Villar na dapat lamang tiyakin na makakasama ang pina-planong expansion ng Naga Airport sa P14-bilyong alokasyon para sa modernisasyon ng mga airports.
“Actually, napakahalaga talaga ng infrastructure not just here in CamSur but throughout the whole country. So napakagandang project niyan siyempre sisguraduhin natin na makakasama siya duon sa P14-billion alotted fpr modernization of airports,” sabi nito.
Iminumungkahi ni Villar na maaaring subukan din ang PPP o “Private-Private Partnership na ipinapatupad na ng pamahalaan sa iba pang mga airports sa bansa na naglalayong mapabilis ang pag-unlad ng isang lalawigan sa ekonomiya at turismo.
“We can explore PPPs which they have in other airports to accelerate the growth and to finish it faster kasi naniniwala ako na ito ang magpapaunlad sa kanilang ekonomiya,” ani Villar.