Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Pacquiao

“Para sa Inyo ang laban na to” — Pacquiao

Mar Rodriguez Mar 11, 2025
82 Views

PILI, CAMARINES SUR – “ANG laban ko ay laban ng bawat Pilipino. Para sa inyo ang laban na to”.

Ito ang ipinahayag ni “Pambansang Kamao” at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) senatorial candidate Manny “Pacman” Pacquiao matapos dayuhin ng mga pambato ng administrasyon ang Bicolandia.

Kasing-init ng siling-labuyo ang naging pagtanggap ng libo-libong Bicolando sa 12 senatorial bets ni President Bongbong R. Marcos, Jr. matapos dumalo ang napakaraming mamamayan ng CamSur sa campaign rally ng Alyansa.

Sabi ng dating senador na maging siya ay namangha sa sobrang dami ng mga taong dumalo sa campaign rally ng APBP kung saan ang ilan sa kanila ay nagmula pa sa iba’t-ibang bayan ng Bicolandia gaya ng Albay, Ligao, Legazpi City, Polanggi at Naga City.

Ayon kay Pacquiao, ipinapakita lamang ng napakaraming taong dumalo sa kanilang campaign rally na solido ang suporta ng mga Bicolano sa mga kandidato ng administrasyon dahil narin sa magandang plata-porma de gobyerno na inilalatag nila.

Dahil dito, binigyang diin ni Pacquiao na gaya ng kaniyang mga naging laban sa ibabaw ng “boxing ring”. Ganito rin aniya ang kaniyang magiging laban pagdating nito sa Senado makaraang tiyakin nito na ang kaniyang laban ay laban din ng bawat Pilipino.

“Nagpapasalamat ako sa suportang ibinigay ninyo sa karera ko sa boxing. Kaya anoman ang naabot ko, nais kong ibalik sa Inyo mga kababayan ko. Ang laban ko ay laban din ng bawat Pilipino. Para sa inyo ang laban na to, ako ang magiging kakampi niyo,” wika nito.

Muling iginiit ni Pacquiao na kung siya ay papalaring makabalik sa Senado, isusulong nito ang kaniyang mga adbokasiya kabilang na dito ang economic growth, pagpapatibay ng investments, at agriculture, pangingisda o fisheries. Tututukan aniya ang imprastraktura at pagpapalakas ng local industries.