Calendar

6-storey building sa Tondo ini-naugurate ni Mayor Honey, VM Yul
BINUKSAN na ang 6-storey school building na pinasinayaan ni Manila Mayor Honey Lacuna sa Tondo na sinimulang gawin noong 2022.
Ito ang ika-anim na gusali ng paaralan na naipatayo ng mayor sa loob ng tatlong taon na panunungkulan.
“Dahil may aircon ang classrooms, safe mula sa matinding init ang 3,225 students at 115 faculty dito sa Emilio Jacinto Elementary School.
Aside from classrooms, may mga specialized rooms pa para sa pag-aaral ng Information & Communications Technology, Science, Technology & Livelihood Education at Home Economics,” sabi ni Mayor Honey matapos ang ribbon-cutting kasama si Vice Mayor Yul Servo Nieto.
Ipinaliwanag ng alkalde na ginugulan ng P458,116,746.30 ang naturang gusali na ang pondo kinuha sa Special Education Funds ng Maynila at hindi inutang sa bangko.
Itinayo ang gusali sa 2,864 metro-kuwadradong lote sa Velasquez, Tondo na mayroong elevators, silid-sralan, canteen, air-conditioned na social hall sa ikaanim na palapag, toikets at open basketball court na may bleacher seats.
“When stakeholder donors pitch in for the solar panels, classes will be uninterrupted even during power outage,” pagtiyak pa ng alkalde.