Calendar
Source: File photo
Metro
LPG sumabog; mag-asawa nalapnos
Melnie Ragasa Jimena
Mar 14, 2025
608
Views
SUGATAN ang mag asawa sa sumabog na tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) sa Quezon City noong Biyernes.
Sa imbestigasyon ng National Capital Region ng Bureau of Fire Protection, nagluluto ang mag-asawa sa kusina ng kanilang dalawang palapag na bahay sa Brgy. Central nang mangyari ang pagsabog dakong alas-2:10 ng madaling araw.
Tumagal ang sunog ng halos 30 minuto at umabot sa unang alarma.
Naapula ng mga bumbero ang apoy dakong alas-2:43 ng madaling araw, ayon sa BFP.
Ang mga biktima, na hindi nakilala ng BFP, dinala sa ospital para gamutin ang mga paso sa katawan.
1,000 Manileno lumabas na sa 4Ps
Oct 14, 2026
1,000 pamilyang Manileno lumabas na sa 4Ps
Oct 14, 2026

