Roblox nakipagtulungan na sa PH — Hontiveros
Sep 17, 2026
After BARMM elections, magkaisa na tayo–Bam
Sep 17, 2026
MO ng alleged PDF bukelya
Sep 17, 2026
Calendar
Source: File photo
Metro
Tangke sumabog; 2 obrero nasugatan
Edd Reyes
Mar 14, 2025
517
Views
DALAWANG obrero ang nasugatan nang sumabog ang tangke na nire-repair nila noong Biyernes sa Valenzuela City.
Nagpapagaling na sa ospital ang mga biktimang may edad na 42 at 27 dahil sa pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.
Gumagamit ng acetelyne ang dalawang biktima sa pagre-repair sa malaking tangke sa T. Santiago St., Brgy. Veinte Reales nang biglang sumabog.
Ayon sa ilang residente, sa lakas ng sabog tumilapon ng ilang metro ang isa sa biktima.
Nagsasagawa pa ng pagsisiyasat ang mga awtoridad upang alamin ang dahilan ng pagsabog at kung ano ang posibleng pananagutan ng may-ari ng kompanya ng nasugatang trabahador.
Sumalpok sa police station, sugatan ‘di na kinasuhan
Sep 16, 2026

