Mandanas

BPEC binuksan na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangs

36 Views

PORMAL nang pinasinayaan at binuksan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang Batangas Province Events Center (BPEC) na matatagpuan sa loob ng Provincial Sports Complex sa Barangay Bolbok, Lungsod ng Batangas noong ika-24 ng Marso 2025.

Napuno ng kasiyahan ang selebrasyon sa pagtatanghal ng mga mag-aaral ng Batangas Province High School for Culture and the Arts, Batangas State University – Alangilan Indak Yaman Dance Varsity, kasama si Atty. Angelica Chua-Mandanas, Capitol All-Stars, at paghahandog ng awitin ng kilalang multi-awarded artist at pop rock singer-songwriter na si Yeng Constantino.

Isinagawa na rin dito ang pagbibigay-pugay sa bandila ng Pilipinas na pinangunahan ng Provincial Assistance for Community, Public Employment, and Youth & Sports Development.

Ang inauguration ng naturang pasilidad, na sa kasalukuyan ay may mga tinatapos pang mga bahagi, ay pinangunahan nina Governor Hermilando Mandanas, Vice Governor Mark Leviste,

AnaKalusugan Congressman Ray Reyes, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas, at mga opisyal at puno ng tanggapan ng Kapitolyo.