Calendar

Kongresista buo ang suporta kay Speaker Romualdez
KUNG may dapat pasalamatan ang administrasyong Marcos, ito ay walang iba kundi si House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.
Hindi matatawaran ang mga ginagawa ni Speaker Romualdez para makuha ang suporta ng mga congressman sa gobyerno ni Pangulong Bongbong Marcos,
Ang mga congressman ay kinikilalang mga lider sa kani-kanilang distrito.
Pati mga party-list na miyembro ng Kamara de Representante ay buo ang suporta sa mga programa ng administrayon.
Natatangi ang brand ng leadership ni Speaker Romualdez.
Ramdam ng mga mambabatas na sila’y parte ng grupong tumutulong kay Pangulong Marcos.
Naniniwala kasi si Speaker Romualdez na “there is unity in diversity.”
May differences ang mga congressman pero nagkakaisa sila sa hangaring pagsilbihan ang mamamayan at bayan.
Ang differences ay nareresolba sa pamamagitan ng maayos at mapayapang dialogo at diskusyon.
Tama ba kami, Pangulong Bongbong Marcos at House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez?
***
Ang pagkakakulong ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte ay isang malaking impact sa takbo ng politika sa Pilipinas.
Sa tingin ng marami natiny kababayan, kailangang mag-concentrate ang pamilya Duterte, pati na si Vice President Sara Z. Duterte, sa pagdepensa kay Digong sa kaso nito sa International Criminal Court o ICC sa The Hague sa The Netherlands.
Mabigat ang kasong kinakaharap ng dating Pangulo sa ICC.
Kung mamalasin, baka doon na siya mamatay.
Kaya nga hindi puwedeng pabayaan nina VP Sara ang mga kasong kinakaharap ng ama sa ICC.
Ang mabigat pa diyan ay ang malaking ginagastos araw-araw nina Sara sa Europa.
Paano na ngayon ang mga umaasa sa Pilipinas sa tulong ni dating Pangulo Duterte?
***
Bukas, Marso 28, ay simula na ang 45-day election campaign period para sa mga local candidates.
Ito ang mga kumakandidato sa pagka-congressman, gobernador, bise-gobernador, board member, mayor, vice mayor at konsehal.
Dapat matigil na ang karahasan kasi politika lang iyan.
Pagkatapos ng halalan ay kalimutan na natin ang politika at magtulungan na para sa ikakabuti ng lahat.
Kahit tayo’y natalo, puwede pa naman tayong makatulong sa pag-unlad ng bayan.
Walang dulot na buti kung mananatili tayong nag-aaway.