BBM

De kalidad na trabaho, serbisyo tuloy mula sa PBBM admin

Jon-jon Reyes Mar 26, 2025
40 Views

IBINAHAGI ni Presidential Communications Office (PCO) at Palace Press officer Usec. Atty. Claire Castro na tuloy na programa ng pamahalaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagbibigay ng de kalidad na serbisyo at trabaho sa taongbayan.

Ito ay matapos na umikot sa Dasmarinas, Cavite at Binan, Laguna ang trabaho at serbisyong pangkalusugan para sa bagong Pilipinas. Dito ay available ang serbisyong medikal gaya ng libreng kunsoltasyon, gamot at bakuna, kabilang din ang job affair para sa mga 4ps Beneficiaries Program kung saan ay posible ang on the spot hiring.

Sinabi ni Pangulong Marcos Jr. sa mga mamamayan ng nasabing mga lalawigan, “Asahan po ninyo, patuloy po namin gagawin ito hangat may kailangan kayo ang pamahalaan ninyo ay hindi namin kayo iiwanan,andito kami upang mag serbisyo sa inyo.”

Lubos ang pasasalamay nh mga nabigyan ng pagkakataon magkaroon ng trabaho.

Nagpasalamat si Pangulong Marcos Jr. sa mga doctor, nurses, at mga medtic na nakilahok sa medical mission.

Inihayag din ni Usec Atty. Castro ang isa pang good news para palakasin ang turismo sa bansa. Aniya, maaari ng mag-apply ng VAT refund ang mga non-resident tourist o foreign passport holders para sa mga produktong galing sa mga accredited na tindahan na may halagang tatlong libo pataas.

Ito ay matapos ianunsiyo ng Department of Finance ang VAT refund para sa foreign tourists.

Sa bisa ng RA 12079, mas pinadali at pinabilis ang pagbabalik ng VAT sa mga dayuhang bumibili sa Pilipinas—isang mahalagang hakbang para sa pagpapalakas ng turismo at ekonomiya ng Pilipinas.,