Richie David

Ligtas sa iligal na droga na Lima isinusulong

43 Views

LIMAY, Bataan — Ang local government dito na pinamumunoan ni Mayor Richie Jason David ay nagsusulong ng isang drug-free Limay para sa seguridad ng community.

Dahil dito, ang LGU in cooperation with Limay Rural Health Unit ( RHU) ay nag-sponsor ng malawakang lecture na isinagawa ng PNP at Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa drug-free working place dito.

Ang drug-free lecture ay sinundan ng Random Drug Test na kung saan ang mga local government employes, marchals at iba pa at sumailalim sa biglaang drug test.

“This is our initiative for the drug clearing in our community,” ani Mayor david.

Samantala, ang installation ng mga bagong CCTV system sa Limay, ay malapit nang matapos.

Ayon kay Mayor David, ang nasabing mgaCCTVs ay “equipped with Super HD Zoom, Night Vision, and Fiber Optic Network. ”

“Lahat ng cameras ay konektado sa WiFi para sa mabilis at mahusay na monitoring. Ang bawat Barangay ay magkakaroon ng landline para sa agarang emergency response at may Plate at Face Recognition Technology.
Sakop ng sistema ang mga main roads at mga public areas. Susunod na ang mga kabundukan! Ang mas ligtas na Limay ay malapit nang maging realidad,” dagdag pa ni Mayor David.