Rep. Villar Rep. Villar

Villar optimistiko na maisasa-batas agad ang Pregnant Women Welfare Act

Mar Rodriguez Mar 27, 2025
40 Views

OPTIMISTIKO si House Deputy Speaker at Nationalista Party (NP) Senatorial candidate Camille A. Villar na ang panukalang work-from-home para sa mga buntis na kababaihan o ang “Pregnant Women Welfare Act” ay maisasa-batas sa lalong madaling panahon.

Ang panukala na nakapaloob sa House Bill No. 10687 ay isa sa mga adbokasiyang isinusulong ni Villar sa Kamara de Representantes na magbibigay ng mandato sa mga employer sa pribado at pampublikong kompanya na mabigyan ng “flexible work arrangement” ang mga babaeng empleyado nila na nagda-dalatang-tao.

Sabi ni Villar na ang pagkakaroon ng “flexible time” para sa mga kakakaihan ay isang pagkakataon upang magkaroon sila ng tamang oras para maalagaan ang kanilang bagong panganak na sanggol at panahon para naman sa kanilang mga sarili.

“This would allow pregnant mommies to adopt flexible hours, which would allow them to take care of their health and give time to consult with their doctors,” ayon kay Villar.

Paliwanag pa ni Villar na ang “flexible work arrangment” ay kailangang mapagkasunduan ng empleyado at kanilang employer habang hindi nito dapat dapat maapektuhan ang productivity ng isang indibuduwal at kompanyang pinagta-trabahuhan nito.

“The flexible work arrangement should be agreed by both the employer and the employee and it should not adversely affect the productivity of the individual and the company,” wika pa ni Villar.

To Gd be the Glory