Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Sen. Pacquiao

Pagbangon ng ekonomiya ng bansa tinalakay sa pulong nina Pacquiao, SP Escudero, Villanueva

Mar Rodriguez Apr 8, 2025
48 Views

PASAY CITY — Sa ginanap na pulong sa Senado kamakailan sa pagitan nina Alynsa para sa Bagong Pilipinas (APBP) senatorial candidate Manny “Pacman” Pacquiao, Senate President Francis “Chiz” Escudero at Senator Joel Villanueva, tinalakay nila ang mga estratehiya at solusyon para unti-unting makabangon ang ekonomiya ng Pilipinas.

Sabi ni Pacquiao na ang isyung tinutukan nila sa kanilang meeting ay ang paglalatag at pagbabalangkas ng mga solusyon upang unti-unting makabangon ang ekonomiya ng bansa kung saan kabilang na dito ang pagsusulong ng mga programa kontra-korapsiyon.

Paliwanag ni Pacquiao na sakaling siya ay papalaring makabalik ng Senado, isusulong nito ang mga panukalang batas, programa at adbokasiya para matulungan ang mga mahihirap na mamamayan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga trabaho o job creation, livelihood programs at ang libreng pabahay projects.

Nauna rito, nakipag-pulong si Pacquiao kina Senate President Escudero at Senator Villanueva kung saan sumentro ang kanilang pag-uusap sa pagpapalakas ng ugnayan upang makapagbalangkas ng mga makabuluhang panukalang batas na tutugon sa pangunahing pangangailangan ng mga Pilipino lalo na ang paglalatag ng mga solusyon laban sa kahirapan.

Muli naman iginiit ng dating Senador na nakahanda siyang makipagtulungan sa liderato ng Senado sa pagpasok ng 20th Congress para isulong ang mga batas na tutugon sa problema ng kahirapam sa bansa.

Ayon pa kay Pacquiao, gagawin nitong prayoridad sa paggawa ng batas ang edukasyon, libreng pabahay, pagpapa-unlad ng sports, livelihood at pagsusulong ng public heath sa pamamagitan ng pagkakaroon ng libreng medical assistance para sa mga mahihirap na pasyente.

To God be the Glory