Calendar

P54K shabu nakumpiska, 4 tiklo sa Subic drug den raid
SUBIC, ZAMBALES — Arestado ang isang operator ng drug den at tatlong kasamahan nito noong Martes sa isang drug den raid na nagresulta sa pagkakakumpiska ng hindi bababa sa P54,400 halaga ng shabu sa Barangay Calapacuan dito.
Kinilala ng hepe ng PDEA Zambales ang naarestong operator na sina alyas Ham, 53, habang ang iba pa ay sina alyas Kome, 27; alyas Jub, 22; at
alyas Denz, 39, pawang mga residente ng Barangay Calapacuan, Subic.
Sinabi ng PDEA na nag-ugat ang operasyon sa isang tip mula sa isang confidential informant.
Nakumpiska ng raiding team ang apat na plastic sachet na naglalaman ng humigit-kumulang walong gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P54,400, iba’t ibang drug paraphernalia, at marked money.
Ang operasyon ay magkatuwang na inilunsad ng mga operatiba sa pangunguna ng PDEA Zambales Provincial Office, PDEA Subic Seaport Interdiction Unit, PNP Zambales Drug Enforcement Unit, Naval Intelligence Security Group-Northern Luzon, at lokal na pulisya.
Sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang lahat ng suspek.