Calendar

Pagbaba ng unemployment sa bansa ikinagalak ni Milka Romero
IKINAGALAK ni 1-PACMAN Party List Representative First Nominee Mikaela Louise “Milka” Romero ang patuloy na pagbaba ng unemployment rate sa bansa alinsunod sa pinakahuling ulat na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA).Sabi ni Milka Romero na ang inilabas na ulat ng PSA ay napaka-positibong indikasyon na nangangahulugan lamang na unti-unti ng gumaganda ang estado ng ating ekonomiya.
Pinapurihan ng batang Romero si President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. bunsod ng ginagawa nitong pagsisikap para mapabuti ang ekonomiya ng bansa sa kabila ng paminsan-minsang paghagupit ng krisis.
Batay naman sa Labor Force Survey ng nasabing ahensiya, ipinapakita dito na bumaba sa 3.8% ang unemployment rate nitong nakalioas na Pebrero 2025 mula sa 4.3 porsiyento noong Enero ng kasalukuyang taon.
Optimistiko naman si Romero na magpapatuloy ang pagbuti ng ating ekonomiya kasunod ng pagkakaroon ng mga trabaho para sa mga mahihirap na mamayan.
Kasabay nito, dinayo ng 1-Pacman Party List ang Paete, Laguna upang suyuin ang mga libo-libong residente ng nasabing lalawigan sa pangunguna ni Milka Romero.
Napaka-aktibong nakisaya si Romero sa napakaraming mamamayan.
To God be the Glory