Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
BBM3 Mainit na sinalubong ng mga veterans si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na panauhing pandangal Miyerkules sa paggunita ng Araw ng Kagitingan sa Mt. Samat, Bataan. Sinamahan siya dito nina Gov. Joet Garcia, Cong. Abet Garcia at Mayor Charlie Pizarro. CHRISTIAN D SUPNAD

Garcia: Di lahat ng bayani naka-uniporme

Christian Supnad Apr 9, 2025
35 Views

MT. SAMAT, PILAR, Bataan — “Solution to war is Peace.”

Ito ang sinabi ni Pres. Ferdinand Marcos Jr., nitong 83rd anniversary ng Araw ng Kagitingan ngayong Miyerlukes, dito sa Mt Samat, Bataan.

Ani Pangulonng Marcos, nakamtan natin ang kalayaan sa pamamagitan ng maagang pagbuwis ng buhay ng mga Filipinong sundalo noong nakaraang digmaan.

Samantala, sinabi naman ni Bataan Gov. Joet S Garcia na hindi lahat na bayani ay ang mga nagsusuot ng uniforme lamang, kundi kasama dito ang mga teachers na nagtuturo, mga magulang na nag-aalaga sa mga anak, at maliban sa mga sundalo, pulis ay kasama rin ang mga doctors, at medical personnel na nag aalaga satin.

Pinasalamatan din ng gobernador ang mga lahat ng bayani noon at ngayon.”Kami ay lubos na nagpapasalamat,” aniya.

“Kayo ang haligi ng pag-asa, Kayo ang patunay na buhay na buhay ang Diwa ng Bataan. Mabuhay ang Kagitingan, mabuhay ang Bataan, mabuhay ang Pilipinas!, ” dagdag ng governador.