BBM1

Mga envoy ng US, Japan, S. Korea, at India bumisita kay BBM

273 Views

BBM

MAGKAKASUNOD na nag-courtesy call kay incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., ang diplomat ng Estados Unidos, Japan, South Korea at India ngayong Lunes.

Unang dumating sa BBM Headquarters sa Mandaluyong City si Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa dakong alas-9 ng umaga, at sinundan ni South Korean Ambassador Kim Inchul na dumating ganap na alas-10 ng umaga.

Bandang alas-11 ng umaga ng dumating si Indian Ambassador Shambhu Kumaran, na sinundan ni US Chargé d’Affaires Heather Variava alas-12 ng tanghali.

Ipinahayag ng mga envoy ang pagnanais na mapalakas ang ugnayan ng kani-kanilang bansa sa Pilipinas.

“We were able to discuss many of the things that how are we going to handle the next few years in terms of the relationship of our countries,” paglalahad ni Marcos.

Ayon kay Marcos nagpahayag din ng kahandaan ang mga ito na tulungan ang Pilipinas para sa mabilis na pagbangon.