DOH

Nahawa ng COVID-19 tumaas ng 9.9 porsyento

216 Views

TUMAAS ng 9.9 porsyento ang mga nahawa ng COVID-19 sa bansa mula Mayo 16 hanggang 22 kumpara noong Mayo 9 to 15.

Ayon sa Department of Health (DOH), nakapagtala ng 1,214 kaso o 173 kada araw mula Mayo 16 hanggang 22.

Sa mga bagong kaso, 14 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.

Mula Mayo 9 hanggang 15, ay may naitalang 1,118 bagong kaso o average na 160 kada araw.

Samantala, mayroon namang naitalang 6 na pumanaw kung saan 3 ay naganap noong Mayo 9 hanggang 22.