Calendar

Pacquiao nakakuha ng momentum sa Mindanao
NAKAKUHA ng momentum si Pambansang Kamao at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) senatorial bet Manny “Pacman” Pacquiao matapos magpahayag ng solidong suporta para sa kaniyang kandidatura ang buong Cagas clan ng Davao del Sur.
Personal na inendorso ng kilalang political clan ng Mindanao sa pangunguna ni Davao del Sur 1st Dist. Rep. John Tracy Cagas si Pacquiao kung saan tiniyak ng kongresista na makakapag-bigay ang kanilang lalawigan ng solidong boto para sa dating Senador sa darating na May elections.
Kasabay nito, pinapurihan din ni Cagas ang binansagang “boxing legend” bunsod ng pagkakaroon nito ng puso para sa mga mahihirap na mamamayan na makikita naman aniya sa mga track record ni Pacquiao noong panahon ng kaniyang panunungkulan bilang kongresista at Senador.
Sabi pa ni Cagas na hindi lamang aniya champion si Pacquiao sa loob ng boxing kundi champion din para sa mga mamamayan partikular na para sa mga mahihirap.
Dahil dito, ipinahayag pa ng mambabatas na ang buong lalawigan ng Davao del Sur ay nasa likod ni Pacquiao sapagkat malaki ang kanilang paniniwala na ipaglalaban nito ang mamamayang Pilipino lalong-lalo na ang mga mahihirap.
“Manny Pacquiao is not just a champion in the ring. He is a champion for the people. Davao del Sur stands behind him because we know he fights for the masses,” pahayag ni Rep. Cagas.
Pinasalamatan naman ni Pacquiao si Cong. Cagas at pamilya nito dahil sa suportang ibinigay nila para sa kaniyang kandidatura. Kasabay ng kaniyang commitment na isusulong nito ang mga proyektong imprastraktura, livelihood at youth development para sa mga mamamayan ng Davao del Sur.
“Balik serbisyo tayo. Hindi ako nang-iiwan sa laban, lalo na para sa mga probinsiya para mas marinig sa Senado,” wika naman ni Pacquiao.
To God be the Glory