Rep. Marissa "Del Mar" P. Magsino

Kaso ng 20 Pilipinong Marino na iniimbestigahan sa S. Korea patuloy na tinututukan ng OFW Party List

Mar Rodriguez Apr 20, 2025
19 Views

IPINAHAYAG ni OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” P. Magsino na patuloy nitong tinututukan ang kaso ng 20 Pilipinong Marino na iniimbestigahan sa South Korea matapos ang pagkakasabat ng tinatayang nasa dalawang toneladang hinihinalang cocaine sa barkong sinasakyan ng ng mga naturang tripulante.

Binigyang diin ni Magsino na mariing naninindigan ang OFW Party List na dapat igalang ang karapatan ng 20 Pilipinong Marino at nararapat lamang na mabigyan ang mga ito ng due process at presumption of innocence.

Sabi ng kongresista na kaisa ng OFW Party List ang Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagbibigay ng legal assistance at iba pang suporta para sa mga Marino kasama na ang kanilang pamilya.

Pagbibigay diin ni Magsino na napakahalagang mabigyan umano ng katarungan at maayos na pagtrato ang mga Marinong Pinoy habang sila ay patuloy na iniimbestigahan patungkol sa tunay na pangyayari sa paglalayag ng kanilang barko.

Muli namang iginiit ni Magsino ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga seafarers sa pandaigdigang ekonomiya sa gitna ng mga hamong kinasasapitan nila tulad ng nangyari sa 20 Pilipino.

Pahayag pa ng OFW Party List Lady solon na nararapat lamang na ipaglaban ang kanilang karapatan, dignidad at kapakanan.

To God be the Glory