Calendar

Pacquiao nagpahayag ng pagkabahala sa ‘pakikialam’ ng dayuhan sa eleksiyon sa Pilipinas
DAGUPAN, PANGASINAN — Nagpahayag ng labis na pagkabahala ang tinaguriang “boxing legend” at Senatorial candidate ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas na si Manny “Pacman” Pacquiao patungkol sa di-umano’y panghihimasok ng dayuhan sa gaganaping 2025 mid-term elections sa Pilipinas.
Sa kaniyang mensahe sa ginanap na campaign sortie ng mga administration candidate sa naturang lalawigan, binigyang diin ng dating senador ang kahalagahan na mapangalagaan ang kasarinlan o pagiging independent ng Pilipinas kung saan walang sinomang dayuhan ang dapat maki-alam sa mga affairs ng ating bansa.
Pinayuhan ni Pacquiao ang mamamayang Pilipino na maging mapagmatyag at maingat sa gitna ng mga ulat na unti-unti na umanong nakikialam ang China sa mga affairs ng Pilipinas lalo na sa paparating na halalan.
Muling iginiit ni Pacquiao na hindi dapat magpasindak ang mga Pilipino sa sino mang dayuhan at higit sa lahat ay hindi natin dapat hayaan na tayo ay madiktahan ng mga dayuhan lalo na sa pagpili ng mga kandidato sa darating na eleksiyon.
Ayon sa kaniya, ang boto ng mga Pilipino sa darating na May elections ay para sa Pilipinas at hindi para sa pakiki-alam ng mga dayuhan.
“We must not allow our country’s future to be dictated by foreign powers. Your vote is for the Philippines, not for any interfering outsiders,” pagdidiin nito.
Muling pang binigyang diin ni Pacquiao na ang labang ito ay hindi lamang usapin kaugnay sa “territorial disputes” hinggil sa West Pihilippine Sea (WPS). Bagkos, ito ay pakikipag-laban upang mapangalagaan ang internal affairs ng Pilipinas laban sa pakiki-alam ng mga dayuhan.
“The real battle now is within. Our fight for our freedom and sovereignty as a nation. Let’s unite for this cause,” dagdag pa ni Pacquiao.
Nakikisimpatya din ang tinaguriang Pambansang Kamao sa pangamba ng mga kasamahan nitong kandidato sa APBP tungol sa posibleng pakiki-alam ng banyaga sa darating na halalan sa Mayo.