Ortega House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V

DML Ortega: Trahedya sa Vancouver nag-iwan ng malalim na sugat

Mar Rodriguez Apr 28, 2025
21 Views

IPINAHAYAG ni House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union ang kanyang matinding dalamhati at mariing pagkondena sa malagim na insidente ng pananagasa sa Lapu-Lapu Day festival sa Vancouver, Canada, na nagresulta sa pagkamatay ng hindi bababa sa 11 katao at pagkasugat ng marami pa.

Ayon kay Ortega, ang nasabing insidente ay hindi lamang kumitil ng mga inosenteng buhay, kundi nag-iwan din ng malalim na sugat sa isang komunidad na ipinagdiriwang ang kulturang Pilipino.

“We mourn with our Filipino-Canadian brothers and sisters. We stand united in grief and in prayer for the victims of this senseless act of violence,” ani Ortega.

Dagdag pa niya, “No celebration of our identity, our heroes, and our heritage should ever be marred by such violence. The Lapu-Lapu Day festival is a symbol of Filipino courage and resilience, and that spirit will never be broken.”

Ipinaabot din ng House leader ang kaniyang pakikiramay sa mga pamilya ng mga nasawi, at tiniyak na ang buong sambayanang Pilipino ay kaisa nila sa kanilang pagdadalamhati.

“I offer our deepest condolences. We pray for healing for the injured and strength for all those left behind,” sabi ni Ortega.

Panawagan naman niya sa mga Pilipino sa buong mundo na tumugon sa trahedya sa pamamagitan ng pagkakaisa, malasakit at katapangan.

“In the face of this darkness, we must shine even brighter. Let us honor the memories of those we lost by continuing to celebrate the rich, vibrant culture they came together to uphold. Let us respond with hope, solidarity, and unwavering pride in who we are,” diin ng mambabatas.

Pinasalamatan ni Ortega ang mga otoridad ng Canada sa mabilis na pag-aksyon at pag-aresto sa suspek, at nanawagan ng masusing imbestigasyon upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima.

“We trust that the authorities will bring those responsible to account. Justice must be served,” aniya.

Ang Lapu-Lapu Day festival ay isang taunang pagdiriwang sa Vancouver na nagbibigay-pugay kay Datu Lapu-Lapu, isang bayaning Pilipino noong ika-16 na siglo na matapang na lumaban sa pananakop ng mga Kastila.

Pormal na kinilala ng probinsya ng British Columbia ang Abril 27 bilang Lapu-Lapu Day noong 2023 bilang pagkilala sa ambag ng mga Filipino-Canadians sa kultura ng lugar.

“This tragedy will not define us. Our history, our heroes, and our people are far stronger than fear,” pagtatapos ni Ortega.