Calendar

Buong Alyansa Senate slate nanguna sa pinakabagong OCTA survey
UMARANGKADA sa winning circle ang 11 senatorial candidates ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas sa pinakahuling survey ng OCTA Research na isinagawa nitong Abril 10-16.
Nanguna mula sa hanay ng senatorial slate na ineendorso ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo na rumanggo ng 1-2 at may voter preference na 61.2 porsyento.
Kapwa naman pang-11-19 sina dating Interior and Local Government Sec. Benhur Abalos at Senate Majority Leader Francis Tolentino na may voter preference na 28.8 porsyento at 27.7 porsyento, ayon sa pagkakasunod.
Pasok din sina dating Senate President Tito Sotto (3-8, 43.3 porsyento), dating Sen. Ping Lacson (3-10, 39.7 porsyento), Sen. Pia Cayetano (3-10, 39.5 porsyento), Sen. Bong Revilla (4-10, 38.7 porsyento), Sen. Lito Lapid (5-11, 36.9 porsyento), Makati City Mayor Abby Binay (5-14, 35.7 porsyento), Deputy Speaker Camille Villar (10-18, 30.4 porsyento) at dating Sen. Manny Pacquiao (10-18, 30.3 porsyento).
Ilang linggo na lang bago ang araw ng halalan, tinutugaygay na ng Alyansa ang pinakakritikal na yugto ng kampanya at dito’y pinagbubuklod na nila ang kanilang suporta, tinitipon ang kanilang buong lakas, at wala nang tigil sa paghahatid ng kanilang huling panawagan sa mga mamamayan.
Ang OCTA senatorial survey ay sinalihan ng 1,200 respondents edad 18 pataas at may margin of error na +-3 porsyento.