Calendar

Sen. Risa binatikos paglalagay ng Chinese flag sa Sandy Cay
BINATIKOS ni Deputy Minority Leader Risa Hontiveros noong Lunes ang paglalagay ng watawat ng Tsina sa Sandy Cay dahil maaari itong magpahina sa soberanya ng Pilipinas.
Tinawag ng senador na “photo shoot gimmick” ang paglalagay ng flag ng Tsina sa lugar.
Ayon kay Sen. Hontiveros, “pakana ng Beijing” ang flag planting at iginiit na hindi gagawin ng anumang bansa na naniniwala sa respeto at karapatan ng kapwa bansa sa ilalim ng international law.
“International law affirms that Sandy Cay is part of the West Philippine Sea,” sabi ng senador.
Ipinaalala ng senadora na mula pa noong 2017, hindi na nakakalapit sa Sandy Cay ang mga Pilipinong mangingisda dahil sa mga Chinese vessels na humaharang sa mga mangingisda.
Dahil dito, hinimok niya ang pamahalaan na agad kumilos upang ipagtanggol ang pag-aangkin ng Pilipinas mula sa kamay na naman ng Tsina.
Babala niya, “If we don’t, this might even undermine our presence on Pag-asa Island.”
Nagpahayag si Hontiveros ng kumpiyansa na magsasampa ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng diplomatic protest na magpapalakas din ng joint patrols sa lugar ang Philippine Coast Guard.
Binatikos din niya ang patuloy na aktibidad ng Tsina, ipinaliwanag niya na ang kanillang hindi katanggap-tanggap na gawain dapat lamang iprotesta.
“Ang kanilang unacceptable behavior not only violates international law, it also further keeps Filipino fisherfolk away from waters they should have access to,” ani Hontiveros. “If China wants to be a global leader, she should lead by example and act responsibly,” dagdag pa niya.
Idiniin ng senador na: “Sandy Cay belongs to the Philippines and no amount of island hopping of the Chinese Coast Guard will muddle the truth.”
Sa kasalukuyan, wala pang kumpirmasyon mula sa Department of Foreign Affairs kung nakapaghain na ito ng diplomatic protest kaugnay ng insidente.