Calendar

Villar muling binigyang diin pagpapalakas sa sektor ng agrikultura
MULING binigyang diin ni House Deputy Speaker at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) senatorial candidate Camille A. Villar ang pagpapalakas sa sektor ng agrikultura at local trade matapos nitong papurihan mga manggagawa at producers ng abaca sa lalawigan ng Catanduanes.
Ang naging pahayag ni Villar ay kasunod ng kaniyang pagbisita sa naturang lalawigan na kilalang “abaca capital” of the Philippines kung saan ipinangako din nito ang kaniyang suporta para sa nasabing lokal na industriya.
Dahil dito, pinapurihan ng kongresista mula sa Las Piñas ang mga lokal na opisyal ng Catanduanes dahil sa pagiging “world’s top producer” ng abaca ng nasabing lalawigan kung saan bunsod nito ay ay buhay na buhay ang kanilang ekonomiya at kabuhayan.
“Congratulations po sa pagiging world’s top producer of abaca, at dahil po diyan ay buhay na buhay ang inyong ekonomiya at kabuhayan. Talagang proud po tayo sa industriya na iyan dito sa inyong lalawigan dahil ang abaca ay tinatawag na world’s strongest fiber,” ani Villar.
Dahil dito, muling tiniyak ni Villar na tuloy-tuloy nitong palalakasin ang sektor ng agrikultura at ang local trade para lumikha ng mas maraming trabaho at kabuhayan para sa mga Pilipino.
“Tuloy-tuloy po nating palalakasin ang sektor ng agrikultura at ang local trade para makalikha ng mas marami pang trabaho para sa ating mga kababayan,” sabi pa nito.