Pacman

Ate Vi all out support kay Pacman

Mar Rodriguez May 4, 2025
15 Views

Pacman1Pacman2Pacman3BATANGAS CITY – All of support ang tinaguriang “Star for All Seasons” na si dating aktress Vilma “Ate Vi” Santos-Recto para kay Pambansang Kamao at Alyansa para sa Bagong Pilipinas senatorial candidate Manny “Pacman” Pacquiao.

Inendorso ng dating Batangas governor at batikang aktress ang kandidatura ni Pacquiao kasunod ng isinagawang campaign sortie ng Alyansa sa Batangas.

Knaasahan na lalo pang lalakas ang suporta para sa APBO senatorial bet hindi lamang sa naturang lalawigan, bagkos, sa buong Southern Luzon dahil sa pag-eendorso ni Santos-Recto na kumakandidatong gobernador ng lalawigan ng Batangas.

Sa ginanap na campaign sortie ng Alyansa, inilatag ni Pacquiao ang kaniyang agenda sa lehislatura sa nakatutok sa kaunlaran ng kanayunan partikular na sa mga marginalized community kasama na ang mga pamilyang nasalanta ng kalamidad.

“Ang Batangas at ang buong bansa ay nararapat magkaroon ng mga lider na tunay na lalaban para sa karaniwang Pilipino. Sa pamamagitan ng mga programang pangkabuhayan, suporta sa MSMEs at ang libreng pabahay para sa mahihirao at mga biktima ng kalamidad, maibabalik natin ang dignidad at pag-asa sa ating mga kababayan,” sabi nito.

Isa sa mga sentrong bahagi ng plataporma ni Pacquiao ang pagbuhay muli sa kaniyang panukala na Senate Bill No. 239 o ang “Free Housing Through On-Site In-City or Near-City Resettlement Act” na muli niyang isusulong sa Senado.

Sinabi pa ng dating senador na sisikapin niyang ipagpatuloy ang kaniyang mga adbokasiya gaya ng pagpapaunlad ng kabataan sa larangan ng sports, pagpapalawak ng mga kooperatiba at community enterprises. Tututukan din nito ang pagpasa ng Cooperative Empowerment Act upang makapagbigay ng kapital sa maliliit na negosyante sa mga lalawigan.

“Ipagpapatuloy natin ang programa para sa mga mahihirap, ang pagbibigay ng libreng tahanan, libreng bahay at higit sa lahat. Puhunan para may hanapbuhay, kapital para makapag-simula ng negosyo,” wika pa ni Pacquiao.