Abalos

Pagpapalawak ng SEF isinulong ni Abalos upang maisama mga estudyante hanggang kolehiyo

18 Views

HINOK ni dating DILG Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan na palawakin ang paggamit ng Special Education Fund (SEF) upang maisama ang mga estudyante hanggang tertiary level o kolehiyo sa mga benepisyaryo nito.

Ayon kay Abalos, masyadong limitado ang kasalukuyang guidelines ng SEF, na bawal pang gamitin sa simpleng pagbili ng uniporme para sa mga estudyante.

“Maraming LGUs d’yan na may pera talaga to supplement kung ano man ang kakulangan. In fact, ‘yong ating SEF—Special Education Fund is too stringent, pwede mong luwagan ito to also help those scholars up to tertiary kung kinakailangan. Even nga uniform medyo pinagbabawal,” sabi ni Abalos.

“It should really be, dapat talaga tignan ng maige ito,” pahayag ni Abalos.

Ibinahagi rin niya ang sariling karanasan bilang patunay na edukasyon ang susi sa pag-angat ng buhay. Ang kanyang lola ay dating “locker girl” at katulong, habang ang lolo ay hardinero. Ang kanyang ama naman ay isang caddie at janitor, saad ni Abalos.

“‘Yong aking lola ay isang locker girl sa Wakwak, isang katulong. Ang lolo ko ay isang hardinero. Ang tatay ko ay isang caddie at janitor. It is because of education na talagang sabi nga nila, education is the great equalizer,” dagdag pa niya.

Giit ni Abalos, kahit libre na ang tuition ng maraming paaralan, marami pa ring estudyante ang nahihirapan dahil sa gastusin tulad ng pamasahe at baon.

Ang SEF ay bahagi ng buwis sa real property na kinokolekta ng LGUs at dapat gamitin para suportahan ang pampublikong edukasyon, kabilang ang maintenance ng paaralan, pasilidad, pananaliksik, at sports development.

Kabilang din sa isinusulong ni Abalos ang educational assistance sa mga anak ng magsasak’t mangingisda.