Educational needs ng residente ng Pasig maibibigay kung maraming paaralan — Sarah Discaya

17 Views

HINILING ng mga residente sa Pasig City na mailabas ang listahan ng sinasabing mahigit 25,000 na scholars sa lungsod.

Ginawa ng mga residente ng lungsod ang panawagan matapos mapag-alaman na mayroon lamang umanong 13,000 scholars na na-accommodate para sa 2024-2025 school calendar.

Samantala naniniwala si mayoral candidate Sara Discaya, na malaking bilang  ng mga mag-aaral ang makikinabang kung makapagpapatayo ng mga bagong paaralan at maipa-renovate ang mga silid-aralan.

Krusyal aniya ang nasabing inisyatiba para masigurong maipagkakaloob ang educational needs sa lungsod.

Bilang nagmamay-ari ng isang construction company, nangako din si Discaya na magpapatayo ng mga dagdag na imprastraktura kabilang ang mga tulay at concrete roads na magdudugtong sa mga barangay patungo sa major roads.

Si Discaya na isang baguhan sa pulitika ay nagpasyang tumakbong mayor sa Pasig matapos makita ng personal ang patuloy na kahirapan ng mga residente.

Si Discaya na kilala sa tawag na Ate Sarah ay isang negosyante na madalas bumibisita sa mga low-income neighborhoods para magsagawa ng charity work.

Tuluy-tuloy din ang pagdaraos niya ng medical missions at pagtulong sa mga nangangailangang residente ng lungsod.

Ani Discaya, sakaling palarin manalo sa eleksyon, gagawin niyang isang Smart City ang Pasig na mas makapagpapadali sa pamumuhay ng mga residente.