Calendar
PBBM gustong mailatag agad legislative agenda
NAIS ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na agad na mailatag ang legislative agenda na kakailanganin nito sa kanyang pamumuno.
Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri batay sa pakikipag-usap nito kay Marcos nais nito na maging mabilis ang pag-aksyon ng Kongreso sa mga panukalang batas na kakailanganin sa paglalatag ng mga programa ng kanyang administrasyon.
“He instructed me and incoming Speaker Martin Romualdez to sit down and discussed possible legislative agenda for the SONA [state of the nation address], discussions for the SONA,” sabi ni Zubiri.
Sinabi ni Zubiri na nangako ito kay Marcos na tutulong siya man ang maging Senate President o hindi.
“So we have a series of meeting and we’ve been discussing how we can assist the President-elect on his legislative agenda for the 19th Congress,” dagdag pa ni Zubiri.
Sina Zubiri, Sen. Cynthia Villar at Sen. Francis Escudero ang napipisil na maging Senate President ng paparating na 19th Congress.