Nahuli sa election gun ban 3,461

Alfred Dalizon May 30, 2022
113 Views

UMABOT sa 3,461 ang bilang ng mga nahuli sa election gun ban, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Ayon sa PNP, sa mga nahuli 3,326 ay sibilyan, 26 ang pulis, 22 ang sundalo, 61 ang guwardya at ang nalalabi ay hindi nalagyan ng kategorya kung saan kabilang.

Sa Metro Manila pinakamarami ang nahuli at umabot sa 1,174, sumunod sa Central Visayas (387), Calabarzon (360), Central Luzon (238) at Western Visayas (202).

Nagsimula ang gun ban noong Enero 9 at magtatapos sa Hunyo 8.