Ablan

Medical insurance ng mga estudyante na papasok sa face-to-face classes inalis

Arlene Rivera May 28, 2022
128 Views

IBINASURA na ng gobyerno ang polisiya nito na dapat mayroong medical insurance ang mga estudyante na dadalo sa face-to-face classes.

Ayon kay Deputy presidential spokesperson Kris Ablan ito ay nakasaad sa Inter-Agency Task Force (IATF) Resolution 168-B na inaprubahan noong Mayo 26 at isinapubliko ng sumunod na araw.

Sinimulang ipatupad ang polisya noon lamang nakaraang buwan.

Ang pag-alis nito ay batay umano sa rekomendasyon ng Commission on Higher Education.