Calendar

Sen. Win humiling palawakin ALS
NANAWAGAN si Sen. Sherwin Gatchalian ng mas malawak na Alternative Learning System (ALS) dahil sa 18.96 milyong Pilipino na functionally illiterate, batay sa 2024 Functional Literacy, Education and Mass Media Survey (FLEMMS).
Inilahad ni Gatchalian na bagama’t umiiral ang programang ALS, nahihirapan pa rin itong makahikayat ng mga kalahok.
Binigyang-diin din niya ang posibleng papel ng mga lokal na pamahalaan sa pagtugon sa mga hamong ito.
“Now, this is a challenge. And I truly believe that the only way to address this is to mobilize the local government units,” dagdag pa niya.
Ang ALS naisabatas sa ilalim ng Republic Act No. 11510 upang magbigay ng alternatibong landas sa edukasyon para sa mga out-of-school youth at mga nakatatandang mag-aaral.
Layunin ng programa na paunlarin ang batayang kaalaman sa pagbasa, pagsulat at numerasiya, gayundin ang pagbibigay ng katumbas na paraan upang makapagtapos ng basic education.
Batay sa mga ulat na pampubliko, nananatili pa rin ang ilang suliranin sa implementasyon ng ALS, kabilang ang limitadong pondo, mababang completion rates at kahirapan sa pag-abot sa mga layuning benepisyaryo.
Isa ang ALS sa pangunahing mekanismo ng pamahalaan upang makapagbigay ng edukasyon sa labas ng pormal na sistema ng paaralan.