Calendar

Mayor Honey determinado na ipagpatuloy ang trabaho
SINABI ni Manila Mayor Honey Lacuna na magaan na ang pakiramdam niya ngayon dahil natapos na ang pangangampanya matapos bumoto sa Legarda Elementary School sa Sampaloc.
Ayon kay Lacuna, determinado siyang ipagpatuloy ang kanyang trabaho sa kanyang ikalawang termino upang makapaghatid ng maayos na paglilingkod sa mamamayan.
Sinabi ng alkalde na nangunguna sa kanyang listahan ng mga gagawin ang pagpapalago ng ekonomiya, paglikha ng trabaho, edukasyon, kalusugan at maayos na pamamahala.
“Patuloy na pag-usbong ng ekonomiya ng Maynila na magbubunga ng mas marami pang marangal na trabaho para sa mga tatay, nanay, kuya, ate, at maging sa mga lolo at lola na nais pang magtrabaho,” sabi ng alkalde sa kanyang open letter.
Sabi pa ng alkalde, ang bawa’t pisong pondo ng lokal na pamahalaan magagastos ng wasto dahil sa responsableng pamamahala sa pananalapi na dahilan upang mapagkalooban siya ng 2024 Seal of Good Local Governance.
Tiniyak din niya sa bawat pamilyang Manileño na isa rin sa magiging layunin ng programang pang-edukasyon ng kanyang administrasyon ang maging mahusay sa pagbabasa at matematika ang bawat estudyante sa lungsod.