Calendar

Isko: Salamat at lahat ng kandidato sa Maynila ligtas
NAGPASALAMAT si dating Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na naging ligtas at wala isa man sa mga kandidato sa Manila ang nagkasakit sa panahon ng pangangampanya.
Sinabi ito ni Domagoso matapos bumoto sa Manuel Luis Quezon Elementary School sa Perla St., Tondo alas-10:20 ng umaga.
“Una sa Diyos, dahil halos lahat ng kandidato, weather on the opposing party or the other side, naging ligtas at so far as of today, generally, walang unnecessary incidents.
Ang hirap talaga ng panahon, sobrang init, but I’m happy for everyone na nakaraos na malusog ang lahat,” sabi ni Domagoso.
Nilinaw ng dating alkalde na kung sa awa ng Diyos pinalad siyang mahalal, mananawagan siya ng pagkakaisa tulad ng kanyang mga naunang panawagan sa kanyang pagtakbo sa anumang posisyon sa pamahalaan.
“If may awa ang Diyos, pinalad tayo sa tulong ng tao, I don’t want also to govern the people of Manila with full of hatred among each other dahil siyempre, at the end of the day, kaming mga batang Maynila din na magkikita sa finals, kaya gusto nating matapos ito ng mapayapa ng walang kinikimkim na poot,” paglilinaw pa niya.
Sinabi ni Domagoso na kahit sa panahon ng kanilang pangangampanya ng ka-tandem na si Chi Atienza hindi nila pinairal ang negatibong pangangampanya at lahat ng mga batikos at pangungutya sa kanya naipaliwanag niya ng maayos sa publiko.